Si Francois de Ville At Ang Kaluluwa sa Balon ng Villafuerte


Prologo
_______________

Sa Baryo Villafuerte karaniwan nagsisimula ang lahat ng mga kasindak-sindak na pangyayari sa Peñasafaria.
Sa isang looban ng Villafuerte, sa tabi ng tatlong nagsisitaasang mga puno ng kamagong na kanugnog ng isang napakalawak na lupang pansakahan, ay may isang itim na kalabaw na abala sa pag-idlip. Mahigpit ang pagkakatali nito sa isang laylay na sanga ng kamagong. Ang sanga kung saan nakatali ang liig ng naturang hayop ay may mga mayayabong na mga dahong luntian. Sa kabila nito ay manilaw-nilaw na rin ang mga iba pang dahon na bunga na ng katagalan nito sa puno. Sila’y tila buhay, darating at darating pa rin ang panahon kung saan tayo ay mahihiwalay sa iba pa nating mga kasama. Babagsak, matatapakan na ng panahon, mabubulok at sa kalaunan ay maglalaho na rin. Nguni ang mga dahon na bumagsak ay magiging parte pa rin ng lupa—sila ang magiging pataba nito na siyang magbibigay ng buhay sa susunod pang mga punong yayabong.
Ika-siyam na ng umaga at pasikat na ang araw. Naririyan na naman ang magbibigay ng liwanag sa ating mga tatahakin. Paulit-ulit lang na umiikot ang daigdig sa araw at pabalik-balik lang ang araw sa mundo. Subalit ang liwanag na kanyang ibinibigay ay di nasisilayan sa lahat ng oras…sa lahat ng panahon. Kung naririyan ang liwanag, sige at habulin. Baka maya’t maya lamang ay maglalaho rin ito…at tuluyan ng lalamunin ng gabi. Maasul ang langit…at walang bahala ang ulan.
Mula sa parang ay may dalawang lalaking papalapit sa mga puno ng kamagong. Maaaring sila ay magsasaka at masasabi iyon mula sa kanilang mga pananamit. May dala pa nga silang mga salakot panangga sa tumitinding sinag ng araw. Nakasilong na rin sila sa wakas at tila nagising ang tulog na kalabaw.
“Wala na yatang ginawa itong alaga mong kalabaw kundi ang mamahinga,” wika ng isang lalaki.
“Hindi naman…mainit lang talaga ang paligid kaya nagkakaganyan ‘yan,” sagot naman ng kanyang kausap.
Nagnakaw ng kaunting halakhak ang isang lalaki mula sa pagsayaw ng mga dahon. “Baka naman may sakit iyang ‘laga mo Norman? Mukhang matamlay eh.”
“Sakit ka diyan? Alam mo namang naaalagaan ko ‘yang si Pingkaw. Tingnan mo at ang kyut,” sagot naman ni Norman, ang magsasakang may alaga ng kalabaw na nakatali sa puno ng kamagong.
“Alam mo minsan, naiisip ko kung bakit ganito pa naging ang aking buhay…. Hindi ko pinangarap na mamuhay na lang dito sa Peñasafaria. Gusto ko sanang makakuha ng mas magandang hanapbuhay sa Harvest Valley…kahit inhinyero lang sa isang kumpanya.”
“Ano ba kasi ang tinapos mo Val? Wala naman kasi sa mukha mo ang maging isang tagabaryo lang ng Villafuerte…”
“Agriculture Engineering, pare. Pero mahirap maghanap ng mapapasukan. Alam mo naman dito sa atin…” tila humina ang sikat ng araw sa mga sinabi ni Val.
Bahagyang natakpan ng mga nagliliwaliw na ulap ang liwanag na ipinaparating ng haring araw. Nagsisilipad na rin ang mga iba’t ibang ibon sa kalikasan. Paparito…paparoon. Parang sila’y may mga hinahanap.
Makaraan lamang ng ilang sandali ay may naaninag na silang papalapit na anino sa mga puno ng kamagong sa kanilang kinalulugaran. Ang dal’wang beynte-tres anyos na binatang magsasaka ay naghihintay sa paparating na kaibigan. Tumunog na ang lutong ng mga dahon ng kamagong sa lupa sa pag-apak ng nasabing dumating.
“Oh, kumusta na ang kalabaw mo Norman? Ang tamlay ah,” paunang bati ng dumating sa dal’wang lalaki. Mga anim o labin-anim na taon ang tanda niya sa dalawa.
“Eh…ewan ko ho eh. Kanina pang ganyan ‘yan,” sabad ni Norman. “Kayo ho, kamusta na ho kayo? Ano na hong lagay ni Raquel?”
“Eh gano’n pa rin. Nando’n pa rin siya sa kanyang higa’n, nilalagnat,” sagot naman ng nakatatanda sa tatlo. “Siyangapala, eto at may dala akong dyaryo, bigay ni Boy Kusing.”
“Patingin nga ho Mang Rudy,” saka kinuha ni Val ang papel na nasa kaliwang kamay ng pinakamatanda.
“Hay. Wala pa ring ipinagbago.”
“Naku eh, ‘Mayor ng Pitumpulo Isle, nag-suicide!’”
“Puro na lang pagpapakamatay ang laman ng mga dyaryo nitong mga nakaraang araw,” pahayag ni Norman, “para lamang bumenta. Latest ho ba ‘yan?”
Sumagot si Mang Rudy. “Oo—Agosto 15, 2008.”
Papaimbulog pa sana ang kaunting katahimikan kundi lang dahil sa sasabihin ni Mang Rudy.
“Ngapala—alam niyo nab a ‘yung nangyari sa anak ni Recquestas? Balita ko’y nawawala siya.”
“Ano ho? Paanong? Sino ho bang anak ni Mang Recquestas?” nabiglang pagtanong ni Val kay Mang Rudy.
“Eh baka si Marilyn. Hindi ba’t may sakit sa puso ‘yon? Baka inatake?” humrit naman sa pagtanong si Norman.
“‘Yun bang Marilyn eh ‘yung batang nag-aaral diyan sa St. Jessica Intermediate School?” pagbato naman ni Mang Rudy ng tanong sa dalawa.
“Naku naman Mang Rudy! Tapos na ho sa pag-aaral si Marilyn. Medicine pa yata ang kinuha. Mga isang taon ang itinanda ko sa kanya,” sabi naman ni Val saka nagpunas ng tagaktak ng pawis sa noo.
“Oh edi hindi siya ‘yung nawawala?”
“Eh sino?”
“‘Yung batang anak nila.”
“Sandali nga Mang Rudy, kelan pa ba nawawala ‘yung…”
“Isa o dalawang lingo na yata eh,” tugon sa tanong ni Norman, “alalang alala na nga si Etherya, ‘yung asawa niya.”
“Eh si Mang Recquestas ho?” tanong ni Norman na tila nananalakay.
“Ayun…naglalasing. Hindi niya raw matanggap ang pangyayari.”
“Nakakaawa naman…” wika ni Val, “eh sino ho ba ‘yung nawawala?”
“Hindi ko nga rin siya kilala eh, at hindi ko na rin matandaan ‘yung pangalang sinabi sa akin…. Pero ‘El’ ang tawag daw sa kanya.”
Mula sa pag-uusap na iyon at nangyari na ang mga sumusunod. Napa-idlip muli ang mahinang kalabaw na tila nakinig sa usapan at nahulog ang isang bunga ng mahogany mula sa puno ng kamagong.

PRASH.
________________________________

Tungkol sa'n ba ang 'Si Francois de Ville At Ang Kaluluwa sa Balon ng Villafuerte'?

Ang pahinang ito ay kasalukuyang inaayos pa lamang.

________________________________

Mga bahagi ng kuwento:

Ang pahinang ito ay kasalukuyang inaayos pa lamang.

________________________________

Habang inaayos o ginagawa pa lamang ang pahinang ito, maaaring bisitahin ang mga sumusunod:
Si Francois de Ville At Ang Pulang Mata sa Seoul Street

Si Francois de Ville At Ang Sumpa ng Serpenteng Muwebles

Is There A Place Like Hell

_________________________

Ang website na ito ay pansamantalang inihinto sa pagpapaskil. Abangan na lamang sa mga susunod na buwan.

_________________________

_________________________

Mga susunod pang kuwento:

When You Met Teachers (mula sa bobongpinoy yahoo groups)

Never Swim In A Dry River


Si Francois de Ville At Ang Sumpa ng Serpenteng Muwebles


Prologo
_______________

Bilyong taon na ang nakararaan mula nang mabuo ang malawak na kalupaan sa daigdig. Ang malawak na kalupaan na Pandyiya ay unti-unting nagpirapiraso sa mga naipapaliwanag at di-maipaliwanag na mga kaganapan sa ilalim at ibabaw ng mundo. Mula dito ay nabuo ang apat na bahagi ng mundo—Amerika, Euroasya, Aprika at Antartika. Ang mga iba pang pirasong lupain ay tinatawag ng mga isla. At isa na dito ang Isla ng mga Nagiligan.
Halos isang senturya na ang lumipas nang mapag-alaman ang lihim tungkol sa kanyang sumpa. Ang sumpa ay isang abstrak na bagay na hindi maipaliwanag kung bakit nagaganap. Karaniwang nagsisimula ang sumpa sa tagas ng dugo nguni sa katunayan ay gawa lamang ito ng di-mapigilang kathang isip ng isang katauhan. Upang malaman ang nakakubling kasaysayan ng isang kinahinatnan, ang tanging paraan lamang ay ang pagwasak sa sumpa. At ang katotohanan, walang may batid kung papaano. Iyon ang sumpa.
Ayon sa kayang isipin ng tao, ang pinakamatalinghagang sumpa sa buhay ay kung papaano nagkaroon ng buhay sa buong kabuntalaan. Isipin kung paano nagkaroon ng buhay ang tao, hayop at halaman. binubuo sila ng mga selyo at kung paano nagkaroon ng selyo ay isang palaisipan. Nguni sa islang ito, ang palaisipan ay kung paano nagsimula ang sumpa. Iyon ang pinakanakapagtataka.
Pula ang bumuhay sa serpente.


_____________________________________

Tungkol sa'n ba ang "Si Francois de Ville At Ang Sumpa ng Serpenteng Muwebles"?

Ang kuwentong ito, na kasunod ng Pulang Mata sa Seoul Street, ay isang salaysay sa mga magkakaibigang Francois de Ville, Morphus Hegonus, Jean Stealglass, Isidore Clein at Zefire Pyranne. Ang kuwento ay umiikot sa isang misteryosong lumang diyaryo na napulot ni Morphus sa isang kalye na mula sa isang uugod-ugod nang matanda.
Ang pahayagang ito pala ay naglalaman ng isang insidenteng di dapat nangyari kung hindi sa isang malagim na balak. Ito ay nagdala sa isang kapahamakan na patungo sa pagsisisi. Sa bandang huli nabunyag ang sumpa at dito rin nalaman ang may pakana ng lahat ng ito.

_____________________________________

Ang kuwentong ito ay nahahati sa limang bahagi:

  • Sa Juvenile Avenue
  • Ang Lumang Pahayagan
  • Liham at Panagrama
  • Dilim ng Isang Panaginip
  • Ang Sumpa ng Serpente

_____________________________________

Mula sa 'Sa Juvenile Avenue':

"Habang naglalakad ang dalawa tungo sa kung saan man, nagkatinginan silang dalawa nang di inaasahan. Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda. Gayundin ang lalaki. Nang malapit nang magkasalubong ang dalawa, may napansin ang lalaki na nahulog mula sa kamay ng matanda. Hindi naman ito napansin ng may hawak. Tila mga papel ang nahulog, at tama nga, papel ang mga ito nang pinulot ng lalaki. Mga lumang dyaryo lang naman pala ang mga ito. Nguni nais pa rin itong ibalik ng lalaki sa matanda na siyang nagmamay-ari. Baka kasi may kahalagahan ito sa kanya. Malay niya, baka may sulatin siyang naiambag sa ika-13 pahina nito o kaya naman ay isang sanaysay sa kolum na ‘What You Read Is Yours’."

Mula sa 'Ang Lumang Pahayagan':

"“Ah iyang pahayagan ba? Wala ‘yan, napulot ko lang kanina ‘yan nung naglalakad ako sa Juvenile Avenue,” paliwanag ni pareng Morphus,” lumang dyaryong lang iyan na nahulog ng isang matandang babae.”
“Halata nga eh…” sabad ni pareng Zef habang binubuklat ang pahayagan, “luma nga talaga ito. Disyembre 13, 1920 pa lang eh.”
“Ang luma naman. Mag-iisang siglo na ang dyaryong ‘yan. Next year, 100 years old na ang dyaryo. Ba’t hindi mo ibinalik sa matanda, malay mo kolektor siya ng mga lumang dyaryo o may ala-ala siyang naiwan d’on. Baka kailangan niya iyan,” sabi naman ni Jean.
“Hindi ko na rin maibalik kasi biglang naglaho ‘yung matanda,” ani pareng Morphus, “naku, h’wag niyo nang alalahanin ‘yang dyaryo, basta ang mahalaga, pasok na si Franc.”
“Oo nga naman,” tugon naman ni Clein.
Disyembre 13, 1920…matagal na nga. Disyembre 6, 2019 na ngayon, nasabi ko sa aking isipan. Ang nakapagtataka nga lang ay kung papaano nagtagal ang dyaryong ‘yan at isa pa, kung bakit ito dala ng isang matandang babae. Nagmistulang enigma ang naturang pahayagan sa aking isipan. Maaaring may nais ipabatid ang pahayagang iyan.Nabasag ang aking pagdadalumat nang binasa na ni pareng Zef ang ‘ngalan ng dyaryo at ang headline nung araw na iyon—ikalabintatlo ng Disyembre, sampung siglo siyamnapu’t dalawang dekada."

Mula sa 'Liham at Panagrama':

6 Disyembre 2019
Le Demour, Harbor Town

Ewan ko ba kung kelangan ko pa bang batiin ka ng bon soir sa kadahilanang ginulantang ko ang iyong kahimbingan sa pusikit na dilim. Nagsisilipana na ang mga bituin sa iyong paningin: alam ko iyon. Ang tanging hiling ko lamang ay sana dumalo ka sa vacation trip sa GIS. Eksayting ‘yun. Hindi ba’t gusto mo ring pasyalan ang lugar na iyon?
Naku, sasama ka rin at ‘lam ko ‘yon. Basta lang ba magpaalam ka kay Tita Mael.
Paalala: sa Diyembre 13 na iyon.

SSSee, ala tlg jan

PS: Pack my red box with five dozen quality jugs.

Mula sa 'Dilim ng Isang Panaginip':

"Hindi pa nasiyahan ang matanda at pinagsasaksak pa niya ang binata sa iba’t ibang bahagi ng katawan: balikat, braso, hita, dibdib, t’yan, at mukha. Nagmistulang dinuguan ang binata sa kagagawan ng isang demonyo—na tulad ng kinupas nang lipunan—ay hinayaan na lamang nakatiwangwang sa baku-bakung daan ng kalye. Nag-samyong dugo and dalin kung sa’n humandusay ang kanyang katawan. Ang pumatay ay humayo na."

_________________________________________________

Sino nga ba si Francois de Ville?

---------------------------------------------------------

Si Francois de Ville ay isang katauhan na nabuo mula sa imahinasyon ng isang taong namulat na sa mga kuwentong kababalaghan kahit nung siya'y musmos pa lamang. Siya rin ang pangunahing tauhan sa mga kuwentong nabuo mula sa kanyang buhay. Mga kuwentong kahindik-hindik na hindi pa nararanasan ng ibang tao. Siya ang nagpasimula ng lahat ng kanyang kababalaghan.

Si Francois de Ville ay namulat na walang ama't ina noong siya'y musmos pa lamang. Hindi niya ginusto ang mga pangyayari sa kanyang buhay, nguni tinitiis niya ang mga ito alang-alang sa mga taong nahilig nang basahin ang kanyang buhay. Siya'y nakakapagbigay ng kasiyahan sa ibang tao, nguni sa kabila nito ang naguguluhan na niyang isip.

Noong una'y hindi pa siya pumayag na gawing isang sining sa pamamagitan ng kuwento ang kanyang buhay. "Wala rin namang maniniwala sa akin...at hindi ako ang kuwentong tipong basahin ng mga tao. Isa lamang akong paniniwala na nakakulong sa imahismo ng ating kultura, ang buong kultura ng Maharlika," ang kanyang winika nang minsang kausapin siya ng taong nakapagsulat na sa ngayon ng dal'wang kuwentong buhay niya.

Nang lumaon, pumayag na rin si Franc (maikling katawagan kay Francois de Ville) sa alok ng manunulat. Pero sabi pa rin nito na hindi sa lahat ng oras ay puwede nitong idikta ang mga detalye sa isang ispesipikong parte ng kanyang buhay.

"Mahirap mong itala ang bawat detalye ng buhay ko...malamang ay aabutin ka pa ng ilang buwan sa pagbuo mo ng isang kuwentong hango sa isang bahagi ng buhay ko. Hindi sa lahat ng oras ay sariwa ang utak ko upang ikuwento ang mga nangyari sa buhay ko."

Is There A Place Like Hell?


Where am I? What the hell is this place?” I asked as nobody but an empty dry terrain is beyond the surface of nowhere. I shouted: “Oh my God!”
“God? Do you think God will hear you upon this flaming vacuum? Come on, Gilbert—use your mind!”
“Who are you? How did you
know my name? Oh my Lord! Where am I? Whosoever and wherever you are, can you please tell me where I am? Where the hell am I?” I shrieked as I inquired someone—nobody—maybe disguising…no, no, no—it’s not my delirium I think. It’s real.
“Many questions…but you’re right.”
“I can’t mean to understand you. Right what
? Have I said something—”
“Yes. You really are now in Hell
. No doubt,” answered by whoever this ‘nobody’ is.
“Hell? What the hell—”

“Er?”
“There is no place like HELL!” I uttered.
“There is. Seriously.”
“You k
now what? You are so misleading. Maybe I was just in Ethiopia or South Africa or in Atacama. This place is just a desert, it can either be one of those but it can never be hell!” I screeched in the intonation of my argumentation with somebody whom I cannot see.
“Well, if you don’t believe that this place really is Hell, how did you come to arrive in Azacama, Gilbert?” He asked.
“Azacama? You mean Atacama?”
“Whatever.”
“Er…” I pondered awhile and said joking, “Maybe I was sent by George Bush to experiment the humidity in Atacama and compare it to Baguio City.”
“Funny—ha, ha and ha.”
“Well, it isn’t a joke.”
“So do you believe that you are now in Hell?” He asked over again.
“Well…maybe…but how can you prove that I’m really in Hell?” I questioned him—curiously waiting over his answer.
“Simple. It’s just I to prove that this is really the Hell,” he replied in a way that’s too much different from what I think.
“You? How could you ever prove in such way when I can’t even see a single quark of your body?” I asked him with his mystery that startled my mind.
“If I said you are talking to your conscience, would you believe?” he sent me a query again.
“Why—am I talking to my conscience?” I answered with an inquiry.
“What do you think of this—a “Tell-tale Heart”?”
“So, I’m not talking to my conscience?”
“Of course—simply because you don’t have that!” he said, just I thought, while laughing hysterically.
“I don’t have that?”
He didn’t bring me to answer.
“Well, we’ve ran conversations now but I still can’t preview who you are—can you please reveal yourself?” I asked.
“Reveal—you sure?”
“Yes. A hundred percent sure.”
It never took even a single couple of seconds to really reveal him. The still moist turned into a swiveling breeze; little by little a black hole was bulging in front of me. It’s him—the man in a black robe with an axe-like scythe. I was petrified when I saw him—the axons of my nerves can never stimulate my feelings—I was suddenly paralyzed.
“So…do you believe me now that this really is Hell?” He did ask me.
My mouth seemed to be numb. I was turned into a stone in fear—scared to death—that I fell down as if a shattered candle. The rest of what I think is history; I felt lifeless.


Gilbert? Gilbert?” A wake up call.
“Yes—” I opened my eyes.
“Fear no more! You’ll never be scared to death since you are now dead!” Declared by that ‘someone’ whom I conversed with.
“Dead? You serious? I’m still alive—I am with my family, you know! What I couldn’t understand is why I am here,” I replied to his bomb-like sentences.
“No, seriously. You really are wrong. I am the Death Hermit; you really are not with your family since they’ve been dead…after you’ve killed them,” he said and his eyes turned to be luminous.
“I killed them? No, no. it can’t ever be. It’s just you don’t know what you’re saying…I’m not a killer! I’m not dead! Oh please, promise me you’re just kidding!” I said as my eyes were as dull as those ruined street children who seek for the future.
“I really am telling the fact. If you don’t believe what I’ve said, then you’re just fooling yourself,” he gave me a striking impact. He might now be telling the truth.
“How did I ever kill my family?” I gave him my query.
“Come on. Let’s go in the Memory Jail. I will let you see the terrible things, er, situations you’ve done throughout your life,” he answered as he pointed the place we are going to.
We took meters of footsteps until we arrived in the Memory Jail. I could see a lot of moving pictures as if televisions. But all I can see on them are me.
“Look at this one,” the Death Hermit said, “this is the scene where you’ve killed your parents.”
I was shocked by what I’ve seen. The scene came out real. I got the lying machete on our kitchen table—it was a silent midnight when I did an evil work—I ripped them, killed them, and murdered them. Red blood were oozing through their pale bodies. I hear their souls yelling, “Gilbert, Gilbert…your conscience is running out your soul. Wake up, Gilbert. Don’t do this…” It was too late. Too late to say I love them….
Droplets of tears started to fall from my gloomy eyes. “If I could only turn back the time, I would say that I love them so much…that I love them throughout my whole life…. That I need them forever….”
I cried a river. I felt my heart losing. “You’re right. I don’t have conscience.”
“Not that way, Gilbert. God has given you hindrance to prove that you can stand by your own. He knows that you really love your family; the fact that you killed them is out of control. It’s just the way that you let an evil to manipulate the motion of your world. That is your mistake, Gilbert. Letting an evil to control you is like letting your heart and mind collide,” he morally explained.
“I’m a loser…I can’t even stand by myself,” I bowed my head and punched the truth of life.
“No, Gilbert. You’re not a loser at all. Don’t make yourself foolish. In your world—a real world—games always have winners and losers. For every game you take, sometimes, you win. And that means that you’ve proven something deep inside yourself as well as God. If you lose, it doesn’t mean that you are weak; instead, it would serve as a branch of strength to prove what you’ve not proven before. That’s life. You lose because you let yourself a loser—remember that you insisted to be a gangster,” he spread his striking words.
“But it’s now too late. I will now be a loser forever. If I could only kill my life twice, I will. It’s really now too late…too late to stand again…too late,” I said as my energy went losing.
“No. it’s not too late, Gilbert.”
“Wh-what d-do you mean?” I asked.
“I will bring you back at the times where everything isn’t final. Do what you must do for your second life. Remember not to let yourself be controlled by evil. Remember not to be a loser,” he said to me seriously.
“Why are you doing this to me? You are supposed to jail me here,” I said.
“It’s for your own good. I don’t want to see you again here. If your time comes, it must mean that you successfully completed your life, you must be in Heaven with God the second time you die,” he’s trying to give back my conscience, “Come on, Gilbert. Take this green leaf so you could be back alive.”
“I don’t know how to thank you. You tried to save my life as you do. Promise, I will never be a loser again,” I said as my eyes went glazing.
“Never mind. Take this leaf now before my mind changes.”
I got the leaf from his hand. It took me a journey back in time—I traveled spaces and dimensions. In my journey, I thought about the Hell I’ve gone. It gave me strength to complete myself.
“Thanks to you, Hell.”

I opened my eyes. I tried to look but I was struck by the white light coming from our window. I saw myself lying on my bed.
“I was back,” I whispered.
From the open door of my room, I saw my father and my mother smiling near our white Christmas tree. I woke up, wore my slippers, and ran unto my parents. I was so glorious on that day that I’m still with my family. I gave them sweet kisses.
“Merry Christmas, mom, dad.”
“Same to you, my son,” they said.
I gave them a warm hug. I embraced them tightly through my thin body and said the thing I’ve really wanted for.
“Mom, dad, I love you so much. Promise me to guide me wherever I am and never leave me.”
“Of course, Gilbert. You are our only son. We will always go with you, promise,” father said.
It never took a single couple of seconds when my mom has borne something in mind.
“Ah, Gilbert. There is an invitation letter for you, I remembered,” mom said.
“Invitation?” I questioned.
“Yes,” she replied as she opened a fresh cream envelope, “it’s for a talkathon.”
“Debate? But what is the topic of the talkathon, mom?”
“It’s, er,” she uttered as she is reading the letter, “it has said that the topic for the debate is ‘IS THERE REALLY A PLACE LIKE HELL?’…that is it…so, will you join?”
I made a twinkling smile.
“Of course, mom.”
“Is there really a place like hell?”
Now I know the answer, I whispered, as I lit up the candle hanging by our swaying mistletoe.

(Written by Marve Profilers)
-END-


Si Francois de Ville At Ang Pulang Mata sa Seoul Street


Pasimula
_________________________

"Si Francois de Ville At Ang Pulang Mata sa Seoul Street" ang pinakaunang kuwento sa buhay niya na naisulat. Ito ay naganap bandang Hulyo ng taong 2019. Mula sa kinalakihan na niyang Harbor Town (nguni dati siyang nakatira sa isang liblib na baryo na kung tawagin ay Baryo Villafuerte, kung saan naroroon ang kanyang lola nung nabubuhay pa), may humila sa kanya upang tumungo sa Urgeough, isang kalapit bayan ng Harbor Town kung saan matatagpuan ang Ginza Avenue at Seoul Street. Ang huli ay isa dating maayos at sikat na kalye nguni nang dahil sa isang pangyayari ay nabalot na ito ng iba't ibang haka-haka. Naging usap-usapan noon pa man ang naturang kalye nguni minsan pa lamang itong nabisita ni Francois at dito niya natunghayan ang isang nakakakilabot na bahagi ng buhay niya.
__________________

Tungkol sa'n ba ang 'Si Francois de Ville At Ang Pulang Mata sa Seoul Street'?

Ang kuwentong ito ay nagsimula sa isang restawran kung sa'n pinili ni Francois na mananghalian muna bago tumuloy sa pamamasada (ito ang propesyon niya bago siya naging empleyado sa isang malaking kumpanya sa Harvest Valley). Hindi niya naman inaasahan na maririnig niya ang isang kuwento tungkol sa isang ginahasa sa isang lumang ospital. Mula sa pag-uusap na iyon ng mga empleyado ng katabing gusali na kanyang narinig, nangyari at napasuot ang mga sumusunod pang insidente. Una, ang natagpuan niyang kapirasong yero na may nakasulat; ikalawa, ang mensahe nito; ikatlo, ang mga tila pipi at binging mga pasahero; at ang huli ay ang pagtungo niya sa Kalye Seoul. At dito na niya nasaksihan hindi niya dapat inaasahan...

__________________


Mga bahagi ng kuwento:

  • Simbolo ng Talinghaga
  • Sa Kalye Seoul
  • Ang Mga Pulang Mata

_______________________________________________

Prologo

________________

"Hindi matahimik ang kaluluwa ng naturang babae. Bagamat kapiling ang kanyang pinakamamahal na itay, hindi niya naman makamit ang kanyang hanap-hanap na katarungan. Ilang taon na rin mula nang siya ay kit’lan ng buhay.
Inabandona na ang lugar kung sa’n naganap ang kahindik-hindik na pangyayari. Nguni ang lugar na ito ay pinangangalagaan pa rin ng itay ng may-pulang-mata. Pulang mata na siyang nagsilbing liwanang sa kalye.

Hanggang sa ngayon ay di pa rin matahimik ang kaluluwa ng babae. Tila nangangailangan… Nguni natapos na ang mga pangyayari…at hindi kailanman maibabalik ang nakaraan. Ang silid kung sa’n siya pinatay ang nagsilbi niyang huling hantungan…at hanggang ngayon ay naroroon pa rin ang kanyang katawan… nakalibing sa loob ng isang masalimuot na silid…"



Mula sa 'Simbolo ng Talinghaga':

"NAPAKATERIBLE."
Napakaterible talaga…tsk-k-k-k-k… ‘yung inabot ng pasyente…. Sigurado ‘ko, demonyo ang may gawa no’n….”
Narinig ko ang boses ng isang propesyunal na lalaki na nakikipag-usap sa kanyang mga kakumpare nang minsan kong naisip na mamahinga muna sa isang maliit na restawran sa tabi ng isang napakataas na gusali. Alas dose y media no’n nang kumain ako mula sa isang nakakapagod na pamamasada.
“Tatlong taon na rin ang nakalilipas no’n, ‘no? Pero tinitiyak kong ‘ndi pa natatahimik ang kaluluwa ng nagahasa hanggang ngayon, hay…” sabad naman ng isa pang lalaki na sa tingin ko’y katrabaho niya rin dahil iisa lang ang uniporme nila at disente rin tulad ng isa.
“Alam mo pare, ang usap-usapan nila no’ng panahong ‘yon, eh, duktor daw, ha, ‘daw’, ha, ang may gawa no’n. Ewan ko lang kung toto’ ‘yon, eh, usap-usapan lang naman,” wika naman ng isa pang lalaki na parang sumali lamang sa usapan.
“Siguro,” sabi ng unang lalaki habang umiinom siya ng malamig na green tea, “kaya nga wala nang pasyente do’n kasi baka raw magaya sila sa babaeng ‘yon,” dagdag pa niya.
“That’s true, and I thought matagal nang nakasara ang ospital na ‘yon…dahil sa pangyayari,” dagdag naman ng katabi niya.
“Sabi pa nila nagmumulto raw ito…lagot!” pananakot naman ng isa habang nanhihilakbot na ako sa aking kinalalagyan.
“Nangangatog na ako, ha, pero sa’n ba ‘yung lugar, I mean, ‘yung ospital na pinangyarihan?” tanong ng propesyunal at disenteng lalaki.
“Ayon sa aking nababatid, malayu-layo sa lugar natin ‘yun at liblib ‘yun ‘no…” sagot naman ng di nakaunipormeng lalaki.
“Ang alam ko, pero ‘di ko na matanda’n ‘yung pangalan ng ospital, sabi nila sa…sandali lang…”
“Sa’n?” sabay na pagtanong ng dalawa niyang kakuwentuhan.
“Alam ko na, na’lala ko na, sa ano raw, sa ano…sa…sa Seoul Street….”
Seoul Street, Seoul Street, Seoul Street. Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang kalyeng ito habang nakatitig ako sa plato kong wala nang laman.
“Oh, pareng Franc, ‘ndi ka pa ba mamamasada? Luto na ‘yung sasakyan mong nakababad sa init.”
Nabasag ang pagguni-guni ko sa naturang kalye nang dumating ang isang paparating na boses. Si pareng Raphael pala ‘yun.
“A, hindi, mamamasada na rin ako. Nagpalipas-oras lang ako rito, pagod kasi ako e,” ang sagot ko naman.
“Hala, sige pare, alis na ‘ko, napara’n lang ‘ko rito eh, hinahanap ko kasi si Mr. McGyver, kailangan ko kasing i-report sa kanya na pupunta kami ng probinsiya sa makalawa, baka kasi makalimutan ko,” paliwanag ng kumpare kong si Raphael habang isinusuot niya ang kanyang salamin. Pananggalang niya ito sa matinding sikat ng araw.
“A, sandali pare, alam mo ba kung sa’n ‘yung Seoul Avenue, a hindi, ‘yung ano pala, SEOUL STREET?”
“Ano? Seoul Street ba? Hindi ko ‘lam eh. Pero nasa kabilang bayan pa ‘yon. Ba’t mo naman na’tanong? May kelangan ka ba do’n?” ingkweryo n’ya sa akin.
“E, wala naman, may gusto lang sana akong tingnan,” paliwanag ko.
“Ah…. Ano na nga ba uli ‘yung buo mong pangalan? Nalimutan ko kasi, siguro sa dami nang problema, stressed ako lagi,” pagtatanong niya pa uli.
“Francois. Ikaw naman, pare. Eh, bakit nga ba?” sabad ko sa kanya.
“Itatanong ko kay sir kung sa’n ‘yung Seoul Street, baka kasi matulungan ka niya,” sabi niya, “ah…oh, sige, alis na ‘ko, nagmamadali kasi ako. Sige, pa’lam,” kanya pang idinagdag.
Naalala ko ang pangalan ko. Francois. Ito lang yata ang alaala ko sa aking mga magulang. Matagal na silang pumanaw. Muli’t muli akong napapahikbi, nalulungkot…napapaiyak. Mag-isa na lamang ako sa buhay. Pero tinatawag na lang nila akong ‘Franc’ dahil nagkakamali sila sa pagbigkas ng buo kong pangalan. Hindi kasi ‘Frangkoys’ ang tamang pagbigkas kundi ‘Franswa’.
Sumakay na uli ako sa aking dyip. Nag-drive ako papunta sa isang gasoline station. Noeilgasse Station ang istasyong tinutukoy ko. Doon lamang ang natatangi kong pagasulinahan sapagkat doon lamang may mulberry biodiesel. Mulberry biodiesel kasi ang kailangan ng sasakyan ko upang makatakbo.
Pagsapit ng gabi, muli’t muli akong nagdalumat. Pinapaksa ko ang bagay sa aking gunamgunam: ano nga ba ang misteryong sumasaklaw sa kalye ng Seoul? Haka-haka lang ba ang mga usap-usapang ito? Ang sagot ay siyang lilitaw lamang mula sa kinalulugaran.
Ako ang tipo ng taong mahilig sa misteryo. Nais kong mamulat ang aking sarili sa katotohonan. Kaya naman kung mamamatay man ako, nais ko na ang aking damdamin at kahit sa gayong paraan, mabatid ko ang katotohanan. Ayokong sa pagkamatay ko, may iniisip pa rin ako at may problema. Ayokong magaya sa mga ligaw na kaluluwa.
Hindi pa rin matanggal sa aking imahinasyon ang kalye ng Seoul. Ito ang siya kong naging meditasyon sa lalim ng gabi. Bigla kong naisip ang sinabi ng isang lalaki sa restawran, ‘… pero tinitiyak kong ‘ndi pa natatahimik ang kaluluwa ng nagahasa hanggang ngayon….’
PLANGK! Klengilengilengileng….
Nagulat ako nang biglang may kumalansing na tila ay mula sa harap ng aking bahay: malakas at papahina. Naisip kong baka asong gala lang ‘yon o kaya naman ay ‘yung pusang si Kustav ng kapitbahay ko. Itinalukbong ko na lamang ang aking pulang kumot sa aking nangangatog na katawan at nagsimula na ring pasukin ang mundo ng di-mapigil na imahinasyon.
Natapos na rin ang kadiliman ng gabi. Bumangon na rin ako mula sa pagkakahilata ko sa hihigan. Napansin ko ang aking tatsulok na orasan, ala sais y media na ng umaga. Sa loob ng isang oras, nagawa ko na rin ang mga ginagawa ko tuwing umaga. Nag-ayos ako ng aking sarili at nagsuot na rin ng pulang polo para mamasada.
Dala ang mga kakailanganin, lumabas na ako mula sa aking bahay. Isinara ko ang pinto nang may mapansin akong parihabang patag na yero sa tapat na sahig ng pinto. Wala itong sulat.Kinuha ko ang pirasong ito sa sahig. Mula sa sikat ng araw, tumama ang dagilap nito sa metal na yero at nakabuo ng nakasisilaw na liwanag. Mula rito, unti-unting may lumilitaw..."



______________________________________